SP exp

Buti na lang wala kaming pasok sa last subject namin dahil eto nga, kinuha nga ako ni Tita Roni para maging official photographer sa birthday ng anak niyang si Han. Ay teka, ano ba ‘yan. Parang naumay ako sa sinabi kong “official photographer” ah. Kasi naman hindi naman talaga ako Pro. Anyway, ayun nga dumating ako dun 2:00 na. Luckily, ‘di pa nagsstart kahit ‘yun talaga ang usapan. Filipino time ‘yan eh! XD Sabihin mo mang namicture lang ako, oo. Pero grabe, nakakapagod din pala. Tayo dito, upo dito, yuko dito, angle dito, punta dito, punta doon. Dahil event siya, kailangan, eh talagang nakukunan mo ‘yung mga importanteng gawa nila. Siguro masasabi kong nahirapan ako, sa pagkuha ng smile ni Han. E bihira ba namang ngumiti? -.-” Tsaka nahirapan din ako sa pinaghahatian ako. May isang mommy na gusto itake ko ng picture ‘yung baby niya habang kalaro mga clowns, habang ‘yung isa naman si Tita gusto picturan ko sila by table kung saan mga bisita nila. Alam ko naman na mas dapat kong sundin ‘yung boss. Ang kaso nga lang, nahihiya rin kasi ako kay Mommy e. Baka isipin niya, maliit na favor lang hindi ko pa mapagbigayan. Nahihiya lang kasi akong tumanggi. Hehe pero nahirapan man ako sa ibang bagay, ‘di naman ibig sabihin nun eh naiinis ako sa ginawa ko. Sa katunayan, masaya nga ako. Hindi lang dahil sa naexperience ko maging SP 9oo gets mo na ‘yan) kundi alam ko na nakapagpasaya ako ng tao. πŸ™‚ Nakauwi man ako ng 7pm, naramdaman ko man na pagod na pagod na’ko, ‘yung thought pa lang na alam kong nakapaglagay ako ng ngiti sa mga taong napagsilbihan ko kahapon, MASAYANG MASAYA na ako dun. πŸ™‚ Laging sinasabi ni mama ko sa’kin na “hindi Β mo mabibili ang kasiyahan ng tao”. Totoo naman at tama siya. πŸ™‚ Sa kabila ng pagod ko kahapon, narinig ko lang ang maraming thank you, kahit papaano naiibsan ‘yung pagod ko. Sa bagong experience ko na ‘to, nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan niya ako ng DSLR, binigyan niya ako ng lakas para matapos ko ng maayos gawain ko kahapon, at higit sa lahat dahil binigyan niya ako ng 1 skill (na pwede ko pang mai-enhance) na 1 sa mga rason kung bakit nakakapagbigay ako ng saya sa ibang tao. πŸ™‚

Ang dami kong sinabi no? XD Oh heto na ‘yung mga pic na kinunan ko kahapon. No hate please? Just appreciate. Aware po akong ‘di ako PRO.

DSC_0072

DSC_0075

DSC_0071

DSC_0070

DSC_0069

DSC_0076

DSC_0077

DSC_0364

DSC_0582

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s