Lahat ng bagay may advantages at disadvantages. Gaya ng pagiging masungit ko. May maganda ‘tong nadudulot sa’kin, meron ding hindi. Ilang araw na akong masungit. Siguro sahil din sa stress. Kahapon habang nasa refilling station kami at naghihintay ng turn naming, may 2 bat dun na grade 7. ‘Yung isang lalaki binubuhos niya sa kaklase niya ‘yung tubig sa bottled water niya. Ako naman, nainis dahil sa pagiging magulo nila. Tinignan ko ng masama ‘yung mga bata, pinakita kong ‘di ako natutuwa sa mga ginagawa nila. Ayun, tumigil din sila at umalis. Nung naman nakaraang lunes, nasa library kami ng groupmates ko. Nagbabasa ako at ‘yung mga walang pag-iintinding kapwa ko estudyante, ang ingay kung makipagdaldalan. Parang nasa palengke. Makailan akong namawal, ang sabi ko “ssshhh”, pero mukhang wa-epek. So ang ginawa ko, tinarayan ko ‘yung 3 table. Pinakatitigan ko sila ng masama at nagsungit ako. Hindi nagtagal, umalis sila sa kinauupuan nila.  Natatawa na lang mga groupmates ko sa’kin dahil sa katarayan ko, nagawa kong mapaalis ‘yung mga grupo na nasa library.

 

Pero sa kabilang banda,  pag nakokonsesnya ako sa ginawa ko, naiisip ko, na kung minsan nasa tamang lugar naman ako kaya ako nagsusungit eh. Hindi naman kasi ako magsusungit ng wala lang dahilan. Minsan, gusto ko maalis na ‘to sa pagkatao ko, pero wala eh, nasa dugo ko na ata talaga ‘to. Pero ang talagang naiisip ko bandang huli e ‘yung baka sa sobra kong sungit hindi na ako kalugod-lugod sa mga mata Niya. :/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s