On-cam talents audition.

on

“Galing mo, Odessa!” -Angge

“Nagagandahan ka sa kaniya? Gusto mo ng honest answer? Mas maganda ka pa sa kaniya.” -Jho

“Odessa, ang cute mo. Ang ganda ng cheekbones mo!” -Angge

“Ayos! Ang galing mo, des.” -She

“Ang galing mo, okay siya!”- Jho

“Des, ang ganda ganda mo at ang galing galing mo. Napanuod kita kanina sa DJDN” -Tey

“Des, very good! *clap clap*” -Eunbi

“Odessa, thumbs up!” -Nick

“Wow Mars, ang galing mo!” -Cza

Mga feedbacks na narinig ko sa mga taong nakapanuod nung nag-audition ako na mapabilang sa promotinal video ng HAU. Nahihiya ako pag pinupuri ako pero kailangan kong aminin ‘to. Natuwa talaga ako. 🙂 Ang sarap lang sa feeling na nagustuhan nila ‘yung ginawa ko sa audition. Kung tutuusin, hindi ako sanay sa mga ganun dahil ‘di pa’ko nag-audition sa ganun ever kaya nang marinig ko ang mga salitang ‘yon, napangiti talaga nila ako. Nagpapasalamat ako na sinuportahan ako nila Jhomai at Angge kahit ‘di naman talaga nila ako kabarkada. Nagpapasalamat ako kay Shewoy na may tiwala sa’kin na kaya ko raw. Nagpapasalamat ako kay M na nag-encourage sa’kin na kaya ko at magagagawa ko dahil alam niyang may potential daw ako. Nagpapasalamat ako sa magulang ko na matanggap man daw ako o hindi, e lagi silang nakaalalay sa’kin at susuportahan ako sa kahit ano pang bagay ang gagawin ko basta makakabuti sa’kin ito. At higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal na binigyan niya ako ng karunungan, kagalingan, kalakasan, kasiglahan at katapangan para maisantabi ko muna ang hiya ko at nang magawa ko ng maayos ‘yung pagsasalita ko sa harap ng camera. 🙂

Sana talaga matanggap ako at maging host ako. Hehe pero matanggap man ako o hindi, tatanggapin ko. At least nachallenge ko ang sarili ko na sa kabila ng kanega-han ko at pagiging mahiyain ko nakayanan kong mag-audition at isa pa, hindi mabibili ang experience no! 😛 Haha. Lahat ng kapurihan ay para sa Panginoon. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s