July 9.

Final screening ko nun. Alam ko naka-ayos na’ko. Simpleng polo shirt at pants okay na. Pero nang makausap ko si She, hindi pa pala. So ang mga supportive kong kaibigan na sila Plinks, Jem at Maleen niyaya akong pumunta sa Rob para bumili ng dress at para ma make-up an din ako. Well kahit papaano, may make-up ako kasi in-eye liner ako ni Plinks at nilagyan niya ako ng mascara. Paano naman kasi, bago ka make-upan ng mga saleslady dun e kailangan mo pa palang bumili ng products nila. Pero sa nakita ko, okay naman. 🙂 Dali-dali kaming lumabas ng Rob dahil late na ako. 2:00 kailangan andun na raw pero mga 2:15 na ata kami nakalabas at umuulan pa. Buti na lang agad-agad ako sinalubong ni Shai, former elem classmate ko, at ayun, pinayungan niya ako. Nagkwentuhan ng kaunti pero nakakahiya sa kaniya dahil talagang nagmamadali ako. Nung papasok na kami sa side gate ng school, hindi ako hinayaang makapasok ng guard dahil nga siguro naka skirt ako. Takbo ulit papuntang main gate, at salamat, hindi ako napansin. Bilis ko kasing pumasok tas sabay takbo. Iniwan ko na mga kaibigan ko dahil alam kong late na’ko. Hindi nko nkapagpayong kahit umuulan. Sobrang hiningal ako grabe at ‘yung damit ko basa-basa pero konti lang naman. Tapos karating ko sa office hindi pa pala nag sstart. Hay haha. Naghintay siguro ako at nang mga kasama kong nakapasa ng mga 1 & 1/2 hrs. Pero sa kabila ng lahat nang ‘yan, successful ko namang nadeliver ‘yung lines ko kanina. Well oo pinapaniwalaan kong successful dahil ginabayan Niya ako eh. Tinulungan Niya akong ma-push ‘yun. Haha. Masaya naman ako kahit puro kaba na nararamdaman ko pagkatapos nung screening. Naiisip ko kasi kung magugustuhan ba nila ako. Pero lahat nang ‘to, kay Lord ko pa rin inaasa. Ang punto ko talaga eh, masaya ako ngayong araw na ‘yun. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s