Recognition day!!

Dati, hinihiling ko lang na maging dean’s lister kahit 1 beses lang. Pero tignan mo, nagkatotoo nga. 🙂 Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko nung nakita kong wala akong grade na bababa sa 2. Naisip ko na, ohmy dl ako? Masaya ako dahil ‘di mababa mga grades ko pero napaisip pa rin ako na, ‘di naman ako matalino pero DL ako, parang hindi ko naman deserve, pang matalino lang ang mga nag d-dl. Iniisip ko pa nun na naka-tsamba lang ako, na sabit lang ako dahil nasa bandang huli ako. Pero sabi ng mga kaibigan ko kung sabit daw ako dapat nasa bandang 1.75 ang average ko. Papalapit na ‘yung araw ng recognition at iniisip ko kung iimbitahin ko ba si amma or si papa na umakyat sa stage kasama ako para kunin ang certificate ko. Pero bumubulong din sa isip ko nun na ‘wag na, dahil baka magmukha akong desperada at mafeeling dahil nga sa 1st time ko mag dl at bukod dun nahihiya ako kasi nga naiisip kong hindi ko ‘to deserve. Nung tinanong nga ako ni M kung papapuntahin ko ang 1 sa mga magulang ko, sabi ko hindi ko pa binabanggit sa kanila dahil nahihiya ako. At ang sabi niya, “Juice ko no, wala ka nang hindi ikinahiya!”. Natawa ako at napagtanto kong, oo nga. Parang sa lahat na lang ng bagay nahihiya ako kahit minsan wala namang dapat ikahiya. Nung gabing ‘yon, naparealize ako na, oo deserve ko nga siguro ito. Kasi binigay sa’kin ni Lord ‘to e. Pinagkatiwalaan niya ako dito kahit na ako walang tiwala sa sarili ko. Naiyak ako nung time na ‘yun e. Naisip ko kasi kung gaano ako ka sira ulo. XD Deserve ko ‘tong certificate na ‘to dahil unang-una sa lahat, nagsikap ako sa academics ko, nagpursigi ako sa pag-aaral ko last sem gaano man kahirap ang mga napagdaanan ko at higit sa lahat deserve ko ‘to dahil regalo sa akin ng Panginoon ‘to, blessing niya sa’kin ‘to pinagkatiwalaan niya ako sa bagay na kailanman hindi ko inakalang makakamit ko. Iba talaga ang love ni Lord, walang kapantay. At dahil sa nakuha kong ito, wala ring kapantay ang nakita kong kasiyahan sa mga magulang ko. Lahat ng kapurihan ay binbalik ko sa ating Panginoon! 🙂

My Certificate. Yay! :)

My Certificate. Yay! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s