Papunta kami sa Church nang banda sa Cebuana Lhuillier na-traffic kami. Nagmamadali ako dahil ako ang mag ho-host sa Christmas party ng mga bata. Since wala pang nabiling regalo si Babuii ako na ang pumunta sa Wantok para bumili, para hindi na rin sayang sa oras.Bumaba ako sa trike at ilakad ko na dahil malapit lang naman. Pagkatapos, nag-decide akong hintayin na lang sina Papa kina Esto. Dahil madadadanan rin naman nila ako dun. Nang maya-maya, may isang lalaking dumaan sa harap ko. Pamilyar na lalaki na nilagpasan ako. Nang sundan ko siya ng tingin, si Teng pala ‘yun. Ang first love ko. Tinignan ko kung saan siya papunta, pero saglit lang. Baka kasi maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Wala naman masiyadong nagbago sa kaniya. Pogi pa rin siya at baby face. Naisip ko lang, nakita kaya niya ako? Napansin kaya niya ako? Pwede naman kasing oo pero pinili na lang niya na iwasan ako ‘di ba? Wala lang, napaisip lang ako kung nakita ba niya ako at ano kaya ang pwedeng mangyari kung pinansin niya ako? Tanong na naman ‘to na hindi na masasagot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s