Magtatapos na nga lang ang buwan ng Pebrero, ikaw pa rin ang naiisip ko. Bakit ang galing mo tumiming? ‘Pag okay na’ko, d’un ka sumusulpot. Pag masaya ako, d’un ka lumalapit. Pag tahimik ako, d’un ka nangungulit. Bakit? Bakit parang ayaw mo’kong pakawalan kahit wala namang tayo. Bakit parang ayaw mo akong bitawan kahit magkaibigan lang tayo. Bakit parang ayaw mo akong mawala kahit wala ka naman talagang nararamdaman sa akin. Hindi ako assuming, alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun. Mga kaibigan ko alam din ‘yun. Pero kasi, ano pa bang kailangan mo sa’kin? Sinabi ko na noon pa, na ayaw na kitang makausap dahil susubukan na kitang kalimutan. Pero heto ka, laging nagpaparamdam. Ano ba? Ano ba kasi talaga? Ano bang meron at bakit ganito ka? Kung ayaw mo sa’kin, diretsahin mo na’ko. Kaysa sa binibigyan mo’ko ng mixed signals. Siguro iniisip mo ayaw mo akong masaktan kung sasabihin mo na wala kang nararamdaman sa akin. Pero hindi pa ba halata? Hindi mo pa ba pansin na sa tuwing nagpaparamdam ka at iniiwasan ko mga tawag at chat mo eh umiiwas ako? Umiiwas ako kasi naaapektuhan pa rin ako at nasasaktan na talaga ako. Imposible naman atang hindi mo mapansin na ang dry ko sa’yo n’ung huli tayong nag-usap? Hindi mo ba pansin na binabalewala ko na mga paramdam mo? ‘Wag mo na sana akong paasahin pa na pareho tayo ng nararamdaman. Na gusto mo rin ako. Pwede ba tama na? Kasi sa totoo lang ang sakit-sakit na at nasa punto na’ko na sukong-suko na. Sukong suko na sa katotohanang walang tayo at kailanman hindi magiging tayo. Dahil bukod sa posisyon na meron ka ngayon, hindi rin mangyayaring magkakaroon ka ng feelings sa akin dahil isa lamang ‘yung ilusyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s