Dear Bunso,

Nagtataka ka siguro kung bakit ako sumulat sa’yo. O tinatanong mo na siguro ang sarili mo ngayon kung anong meron? Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa’yo ang hindi ko mga masabi sa harap mo. Sa ma oras na ito, mahimbing kang natutulog. Pinagmamasdan ko ang isang mukha na napaka inosente. Nakikita ko ang malaki mong tiyan, daliring may pinta, at maamong mukha. Nakakatuwa kang tignan. 🙂 Sa 11 taon mong nabubuhay sa mundong ito, nagawa ba sa’yong sabihin ni Ate na mahal ka niya? Hindi ko alam kung nagawa ko na nga ba, pero gusto kong malaman mo na mahal kita. Gaano man ako kasungit sa’yo at kamaldita minsan, sana hindi sumagi sa isip mo na hindi kita mahal. Minsan sadyang iritable lang siguro ako at ikaw ang napagbubuntungan ko ng sama ng loob ko. At kung minsan, aminin mo ‘to, naiinis ako sa’yo sa mga gamit ko na pilit mong pinapakelaman nang walang paalam. Alam mo naman kasing ayaw ko ‘yun ‘di ba? 😛 Humihingi ako ng tawad sa lahat lahat ng mga pagkakamali ko sa’yo. Sa lahat ng mga sakit naidulot ko sa’yo. Kagabi, naiiyak ako dahil kinakain na naman ako ng konsensiya ko sa nasabi ko sa’yo habang nasa kwarto ka nila LJ. Nahihiya lang din kasi ako sa nagpahatid ka ulit kina Ate Lhai pabalik kina LJ. Pero ganunpaman, alam ko na mali ako at sana hindi na lang kita pinagsabihan habang may mga taong nakakarinig. Hayaan mo, susubukan na talaga ni Ate na hindi ka sermonan pag may ibang tao. Gusto ko rin palang magpasalamat sa lahat ng pagtitiis mo sa akin. Alam ko wala kang choice para pagtiyagaan ako dahil kadugo mo ako. Pero kahit ganun, pinagtitiisan mo pa rin ako hindi lang dahil sa kapatid mo’ko dahil alam ko dahil din sa mahal mo’ko. Maraming salamat dahil minsan kahit demanding ako, sinusunod mo pa rin ako. Kahit nagdadabog ka sa sinabi ko, sige ka pa rin sa pagsunod. Sana manatili sa’yo ‘yung puso na puno ng kabaitan at maalis sa’yo ang ulo na may katigasan. Haha! Kasi minsan matigas ulo mo at pasaway ka eh, kaya hindi namin maiwasang pagalitan ka. 😀 Pero siguro pag nag-mature ka pa mababawasan ‘din ‘yang kapasawayan mo ‘di ba? 🙂 Maaring ikaw mismo ang nagbibigay ng stress sa pamilya kung minsan, pero ikaw rin ang nagpapawi ng stress namin dahil ikaw ang bunso na talagang nagdulot ng galak sa aming puso. ❤ Tandaan mo na kahit anong mangyari, nandito kami para sa’yo. Wala akong hiling sa’yo kundi maging masaya ka sa araw-araw ng iyong pamumuhay. Mahal ka ni Kuya Migs, Ma at Pa. At uulitin ko, mahal kita. ❤

XO, Ate Su

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s