Halos kaaalis lang ng mga pulis pati sina Ricka. Halu-halong emosyon ang nadarama ko kanina. Bago ko isulat ‘to, hinayaan ko muna ang sarili kong kumalma. Takot ang una kong naramdaman nang gisingin ako ni Shela para sabihing nararamdaman niyang may tao sa baba. Ginising niya ako at una kong ginawa ay buksan ang ilaw at tinawag ko papa ko para malaman ko kung siya ba ang narinig ni Shela na tao na pumasok daw da bahay. Pero nung walang sumagot at huminto ang kalabog sa pinto, nag-panic ako. Kinabahan. Napuno agad ng takot. Sa puntong tinawagan ko agad si Ricka at hindi ko na napigilang umiyak. Pagkatapos tinawagan ko na rin si Papa. Matapos tignan ang buong bahay kung may tao nga talaga, cinonclude ng mga pulis na baka pusa lang ang nangangalabog kanina. Nahihiya ako dahil naisip ko, baka pusa nga lang. Nakaabala pa ako ng mga tao. Na paranoid ako agad. Kasi siguro, ang bumungad sa’kin pagkagising ko ay ‘yung pagkanerbyos ni Shela. Hindi naman ako matatakutin. Kung tutuusin, pag may naririnig akong hindi kahina-hinala agad akong lumalabas para tignan kung ano man ‘yun. Wala pa kasi ako sa ulirat pero ‘yun na agad ang narinig ko. Natakot ako. Sobra. Sa puntong akala ko mamamatay na kami ng kapatid ko. Akala ko hindi ko mapprotektahan kapatid ko. Dahil baka hindi ako makapaglaban. I’ve had enough today. Muntik na rin kaming maaksidente kanina habang nagpapatakbo si Shela ng tricycle. Sobrang kinabahan ako dahil nag gasgasan ang side mirror namin sa side mirror nung nag mo-motor. Nakita ko kung paano kami natakot at kinabahan. Wala akong ginawa kung hindi umiyak lang. Pinangunahan ako ng takot. Panginoon, salamat. Napakabuti niyo po. Hindi Niyo po kami hinayaang mapahamak. Maraming salamat po sa mga taong ginawa Niyong instrumento para maipakita Niyo sa amin na talagang mahal Niyo kami.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s