Hello, blog! 2 buwan na ang nakalipas mula nang huli kong buksan ‘to. Sa dami nang gusto kong isulat, 2 lang na moments ang unang pumasok sa isip ko. ‘Yun ay nung araw na nakilala ako ng pamilya niya at nung araw na nakilala siya ng pamilya ko. Kaya heto, ikkwento ko. 🙂

December 25, 2015 noon nung nakilala nila ako. ‘Yung buo niyang pamilya ay nasa bahay ng Tita nila kaya d’un ako pumunta. Kabado ako kasi first time ko eh. Nahihiya rin ako kasi hindi pa naman kami pero heto, makikilala na nila ako. Inakala ko magiging awkward ang sitwasyon. Pero laking pasasalamat ko na hindi naman. Kasi welcoming sila. Nakakaaliw ‘yung bunso niyang kapatid kasi ang saya-saya niya na nakita niya ako. 🙂 Habang pinaghain nila ako ng makakain ko, ilang tanong ang binato sa akin ng magulang niya lalo na ang Papa niya. Medyo lasing si Papa niya kaya raw madaldal. Pero okay lang naman sa’kin kasi okay naman ang pag-uusap. Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang isipin na, “Odessa, ‘wag kang magkakalat,” kasi naman, clumsy ako e. Nakakahiya naman kung unang pagkikita namin ay gagawa ako ng kapalpakan ‘di ba? Buti nga wala naman. HAHA! Bago ako umuwi, bineso ako ng Mama niya which I find sweet. Kasi kung tutuusin hindi pa naman talaga ako kilala e, pero may ganun na nga. Pero nagustuhan ko ‘yon. 🙂 Ito rin ‘yung time na ako ang humawak ng phone para mag-selfie kami. Kasi honestly, nahihiya akong papicture sa kaniya. Hindi maitatangging masaya ako. Kasi gusto ko may remembrance kami sa araw na ‘yon. Masasabi kong extra special ‘yung pasko na ‘yon. Kasi nakasama ko ‘yung lalaking mahal ko. ❤

December 31, 2015

Nasabi niya sa akin na pagdadala niya akong biko sa bagong taon.  Naisip ko na maganda kung magiging 2 ang rason nang pagpunta niya sa amin. Kaya sinuggest ko na sa araw na ‘yon, kausapin na rin niya si Papa ko tungkol sa panliligaw niya sa akin. Pumayag naman siya. Pero disperas ng bagong taon, masama ang pakiramdam ko. ‘Yung tipong ayaw kong may aalalahaning ibang tao. Pero dahil may plano talaga sa araw na ‘yon, hinayaan ko siyang pumunta dahil gusto ko talagang mangyari na ang napag-usapan namin. So dumating siya around 7 pm, mga oras na tinutulungan ko sa pagluluto si Mama pero iniwan ko muna saglit ang kusina dahil nandiyan na nga siya at sinamahan ko muna siya dahil sakto namang nung mga oras na ‘yon e nasa shop pa si Papa. Habang hinihintay namin si Papa, kumain muna kami sa roof deck at nagpalipas ng kaunting oras. Nang maya-maya, nasulyapan ko na Papa ko. At nabakas ko sa itsura niya na kinabahan siya kahit pa sabihin niyang okay lang siya. Ako rin kinakabahan kasi hindi ko alam kung ano ang kalalabasan. Hindi sila agad nag-usap kasi kasama ni Papa si Tito Andy. Pero nung mag-uusap na sila, iniwan ko sila. Kasi pakiramdam ko man to man lang dapat. *peace sign* Tnry kong mag eavesdrop, pero ang hina ng boses nila. Parehong mahinahon magsalita. May mga 30 minutos din siguro sila nag-usap at pagkatapos nun, tinawag ako ni Papa ko para samahan siya. Tinitignan ko ‘yung mukha niya, parang tense pa rin. So nagpaka-jolly ako sa harap niya hoping na mawala ‘yun at mapalagay na siya. “OKAY.”, sabi niya. At d’un na ako nagtanong nang nagtanong kung ano ang mga napag-usapan nila. Sa mga oras na ‘yon, ang saya-saya ko. Kasi knowing na mahiyain siya, nagawa niya kasi mahal niya ako. Sa sobrang saya, nagawa ko pang magbiro na, “Buti na lang hindi ako minahal nung dati ko no? Kung hindi, walang ganito.” at sabay kaming nagtawanan. “Legal na tayo. :), sabi niya. Ngumiti lang ako. Hindi nagtagal ‘yung pagkkwentuhan namin pagkatapos nung usapan nila ni Papa kasi oras na at kailangan na niyang umuwi. Matapos kong buksan ‘yung gate, lumingon ako at nasa haraoan ko na siya. Tinanong niya kung pwede na niyang hingin ‘yung hug niya. Hindi ako nag-atubili at hinalikan niya ulo ko. Wala nang sasaya pa sa araw na ‘to. ❤

Advertisements

For all the things God has blessed me with, it is you whom I am so grateful and thankful for, ’cause you became the instrument in making me feel how exhilarating it is to be loved and cared for someone who does nothing but love genuinely. #PinChing

Sa sobrang sipag ni Papa ko, konting kalat at dumi lang naiinis at nagsasalita na siya. Nakakabilib kung gaano siya karesponsableng ama. ‘Yun nga lang sumosobra pag nagsasalita siya. Hehe. ✌