Nami-miss ko na siya. Pero kailangan kong tiisin kasi baka hindi ko na rin naman talaga siya mabigyan nang time dahil sa busy na’ko. Nabibitin din naman ako kapag nakakausap ko siya e. Bukod dun, baka maabala ko pa siya sa mga school stuffs niya. Kaya ‘wag na muna siguro. Hayy.

Advertisements

“Wala ka namang ginagawa para tulungan ako. Nandito ka nga, wala ka namang naitutulong.

Nasaktan ako, Ma. Para mo na ring sinabing basta lang ako tumatambay rito sa shop. Para mo na ring sinabing wala akong silbi sa tuwing dumarating ako. Para mo na ring sinabing wala akong naco-contribute sa mga ginagawa mo. Alam ko namang pressured ka, pero totoo ba ‘yun? Wala nga talaga akong natutulong? Dahil lang sa nahihiya akong puntahan si Tita Meredith ‘yun na po ang basehan? Ginawa ko nang lahat para mag-explain. Sobrang nahihiya talaga ako na kausapin siya dahil mukhang galit na siya sa ilang beses nang delayed ang pinatahi niya. Sobrang natatakot ako na harapin siya kasi nahihiya ako sa kaniya. Sa ganitong mga panahon, naiisip ko na sana magkatrabaho na’ko. Para wala na’kong naririnig sa inyo. Ang drama sh*t. Ang bigat na naman lintik.

image

Naiyak ulit ako nung nabasa ko ‘to. Kasi nung kausap ko Papa ko kanina wala siyang ginawa kung hindi manermon. Nakapagbitaw pa siya nang mga masasakit na salita na lalong nagpabigat ngloob ko dahil habang kausap ko siya hindi ko na napigilang umiyak talaga ng umiyak. Naiintindihan ko naman na nag-aalala siya sa’min lalo na’t malayo siya. Pero nasaktan lang talaga ako sa nga sinabi niya. Mahal na mahal ko Papa ko kahit madalas kami mag-away at hindi magkaintindihan. Nagagalit siya kasi alam kong para sa amin din ‘yun. I love you, Pa. ❤

Halos kaaalis lang ng mga pulis pati sina Ricka. Halu-halong emosyon ang nadarama ko kanina. Bago ko isulat ‘to, hinayaan ko muna ang sarili kong kumalma. Takot ang una kong naramdaman nang gisingin ako ni Shela para sabihing nararamdaman niyang may tao sa baba. Ginising niya ako at una kong ginawa ay buksan ang ilaw at tinawag ko papa ko para malaman ko kung siya ba ang narinig ni Shela na tao na pumasok daw da bahay. Pero nung walang sumagot at huminto ang kalabog sa pinto, nag-panic ako. Kinabahan. Napuno agad ng takot. Sa puntong tinawagan ko agad si Ricka at hindi ko na napigilang umiyak. Pagkatapos tinawagan ko na rin si Papa. Matapos tignan ang buong bahay kung may tao nga talaga, cinonclude ng mga pulis na baka pusa lang ang nangangalabog kanina. Nahihiya ako dahil naisip ko, baka pusa nga lang. Nakaabala pa ako ng mga tao. Na paranoid ako agad. Kasi siguro, ang bumungad sa’kin pagkagising ko ay ‘yung pagkanerbyos ni Shela. Hindi naman ako matatakutin. Kung tutuusin, pag may naririnig akong hindi kahina-hinala agad akong lumalabas para tignan kung ano man ‘yun. Wala pa kasi ako sa ulirat pero ‘yun na agad ang narinig ko. Natakot ako. Sobra. Sa puntong akala ko mamamatay na kami ng kapatid ko. Akala ko hindi ko mapprotektahan kapatid ko. Dahil baka hindi ako makapaglaban. I’ve had enough today. Muntik na rin kaming maaksidente kanina habang nagpapatakbo si Shela ng tricycle. Sobrang kinabahan ako dahil nag gasgasan ang side mirror namin sa side mirror nung nag mo-motor. Nakita ko kung paano kami natakot at kinabahan. Wala akong ginawa kung hindi umiyak lang. Pinangunahan ako ng takot. Panginoon, salamat. Napakabuti niyo po. Hindi Niyo po kami hinayaang mapahamak. Maraming salamat po sa mga taong ginawa Niyong instrumento para maipakita Niyo sa amin na talagang mahal Niyo kami.

Mula nung sinabi niya ‘yung “Now my life is blessed with a love of an angel,” iba na appreciation ko sa kantang Heaven By Your Side. Nung nag-uusap kami hindi ko na na-contain emotions ko, parang reading between the lines nasabi kong gusto ko na rin siya. Hindi ako ganun, pero dahil sa kasiyahan ko, hindi ko ata napigilan talaga. Isa ‘to sa mga convo namin na hindi ko makakalimutan kasi ang genuine. Ewan ko pero napaka genuine talaga. Sana. Iba ‘yung saya ko solid. Sa lahat nang pinagdaanan ko, naramdaman kong loved ako. Hindi ko alam kung ganun ba talaga ang mga lalaki pag nagpapa impress sa taong gusto nila pero kahit anong isipin ko parang sa kaniya kasi wala akong nakikitang pretention. Sana nga tama ako. Sa mga oras na kausap ko siya nun, nasabi ko sa sarili ko na, “Gusto ko nang makasama ‘yung taong ‘to.” ‘Yun bang gusto ko nang umpisahan ‘yung together. Nai-imagine ko nang makakasama ko ‘yung taong ‘to sa bawat araw ng buhay ko. Ang weird pero totoo.